sopasiologyPong is the site's Frontman, Writer(naks!), Editor(naks! ulit), and whatevak(yucks!). yeah! like that!




 Pips-o-holic(s)


Disclaimer

Some posts/pictures that you might see in this blog are not mine unless stated. Otherwise, I do not claim any ownership to any of these posts/pictures. If you see your work posted in here and wished for it to be removed, you may contact me through my Tumblr Ask and the post will be removed immediately. Thank you.
Lutang.

Kahapon pauwi ako, si manong Driver ay lutang..

Nagbayad yung babae na sumakay sa UST ng 50 pesos at sinabing SM po, kinuha ni manong yung 50 at may nagbayad ulit ng 200 naman na bababa sa Philcoa. Sinuklian ni manong yung nagbayad ng 200, tas sinabi naman noong nagbayad ng 50 na “Manong yung sukli po ng 50 SM lang po yun..” Tas hindi pinansin ni manong, sinabi ulit tas ayun na bilang nagisip ng malalim si manong habang nagdadrive at sinuklian ng 20 pesos yung babae, tas tinanong noong babae magkano po ba sa SM galing UST, hindi sumagot si manong.. Tas sinabi ko na 40 pesos paggaling UST tas sinabi noong babae manong 40 daw po tas sinabi ni manong na “Ha?” tas sabi ng babae “magkano po ba hanggang SM mula UST?” tas sabi ni manong “Ha?” sinabi ko na sa matandang lutang na bingi na “Manong, 40 pesos po ang UST hanggang SM 50 po ang binayad niya sinuklian niyo po siya ng 20 dapat 10 lang..” tas sinabi ni manong “Ah.. akala ko kung ano..” 

Sa isip isip ko nakadrugs ba si manong o inaantok.. may problema ba si manong sa pamilya o basted nanaman siya sa nililigawan niyang Kolehiyala.. 

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. May nagtanong kay manong na “Daraan po ba ng DSWD?” hindi nanaman sumagot si Manong at sa pangatlong beses na nagtanong si Aleng pupunta ng DSWD sinabi niya yung “paglagpas lang po ng Sandigan Bayan daraan po ba kayo sa DSWD?” at sumagot si manong na “Ah.. OO dadaan po doon” (pero napaisip ako wala namang madaraanang DSWD doon ah kasi paglagpas ng Sandigan, COA na agad.. Hindi ako nakielam kasi hindi ko sure..) Tas eto na nagbayad si ale na pupunta sa DSWD ng 40 pesos sabi niya “bayad po DSWD lang po.. sigurado pong daraan manong ah..” Hindi sumagot si manong kinuha lang niya agad ang pamasahe at hindi sinuklian.. nagsalita si ale na pupunta sa DSWD “Manong magkano po ba hanggang DSWD 40 po binigay ko” Si manong kinapa ang mga pera niya na parang nalilito at kumuha ng 5 piso para isukli kay ale na pupunta nga ng DSWD! KANINA PA!.. tas ayan na biglang kinausap ni manong ang sarili niya tas tinuro ang pa Montalban. Tas nagsalita si manong na “Dito na po ang DSWD, sasakay po kayo ng Jeep diyan..” ang sabi ni ale “Dito na yun?” sagot ni manong “Hindi pa po sasakay pa po kayo ng jeep na papuntang montalban sagot ni ate “akala ko po ba daraan ng DSWD? bat sasakay pa ako ng jeep?” sagot ni manong na “wala akong sinabing daraan doon” si ate nanaman “bat po 35 ang siningil niyo sa akin?” abot ng 5 ulit si manong.. bumaba na si ate na pupunta nga alam mo na kung saan diba?

Hindi ko talaga alam kung bat ganoon si manong, sa mukha palang niya hindi niya talaga alam kung saan ang sinasabi ni ale sa panahon na tinatanong siya kung daraan ba siya sa DSWD, pero ang ginawa niya tumunganga at kung di pa binanggit ni ale na malapit yun sa sandigan hindi niya malalaman, hindi ko alam kung anong gustong patunayan ni manong sa sarili niya sa pagdi pagsabi ng totoo na hindi niya alam ang lugar na nabanggit, tumahimik lang siya na parang walang narinig.. 

Kung di ka sigurado, mabuti pang sabihin mo na ang totoo..

Leave a comment View 16 Notes
  1. aarsenal said: Badtrip ako sa mga ganyang driver eh :))
  2. sopasiology posted this
Kamon!
I am the Sexy Beast beybe!