sopasiologyPong is the site's Frontman, Writer(naks!), Editor(naks! ulit), and whatevak(yucks!). yeah! like that!




 Pips-o-holic(s)


Disclaimer

Some posts/pictures that you might see in this blog are not mine unless stated. Otherwise, I do not claim any ownership to any of these posts/pictures. If you see your work posted in here and wished for it to be removed, you may contact me through my Tumblr Ask and the post will be removed immediately. Thank you.

Ha! 

Hindi ko alam kung panaginip lang pero sa pagkakaalala ko ay may parang sibuyas mix yung regular burger ng mcdo dati. Palagay ko rin ay iisa nalang ang gumagawa ng burger patty ng mcdo at burger machine.

Mabilis na lang pala ang pagkuha ng drivers license. Siguro ay wala pang 30 minutes ay natapos yung pagkuha ko kanina. Madali nalang din makakakuha ng lisensya ang mga adik dahil hindi na kailangang magpa-drug test na dati isa sa nagpapatagal ng process. Meron atang batas na kapag marami na ang namatay dahil sa adik na bus driver ay doon kukuhaan ng test yung driver kung adik ba siya. Hindi ko alam at hindi naman ako nagresearch, pero baka isa na naman yun sa mga batas na pangperpektong mundo na ginawa ng mga mambabatas.

(Source: stereocolours, via 29505)

Palagay ko ay mas open-minded na ang mga tao ngayon kumpara noon. Hindi open-minded na patungkol lang sa sex na iniisip ng karamihan, pero open-minded sa mga bagay bagay na hindi lang ang mga sinasabi ng media, government o iba pang mga makapangyarihang sangay ng kung anong sangay man yun.

Malaki ang naitutulong talaga ng internet. Mas malawak na ang mundo ngayon kumpara noon. Mas humihina na ang kapangyarihan ng media na nagdidikta ng kung ano lang ang gusto nilang ipakita sa tao. 

Nakakainis lang hanggang ngayon ay umeepal na din sila pati sa internet at gumagawa ng paraan para magtrending ang mga walang kwentang bagay. Mas kaonti na ang nagagago ng telebisyon ngayon, kumpara noon.

 

I was very well educated. My dad paid me to go to a very good school but, you know, when my parents divorced, we didn’t have any money for a while. My birthday present was my school uniform and my pencil cases. I think that’s one of the reason why my education means so much to me. It’s because my dad really couldn’t afford to send me to this school. At the time we just didn’t have the money. And so I worked hard every single day that I was at that school to make him proud of me and for him to know that I appreciated it. And I do, and I still do. Emma Watson graduates from Brown University, May 25th 2014

(Source: scotteymccall, via metaphormagus)

Ang hirap pala kapag natuto kang magdrive at ikaw na ang gagawin nilang driver. Iba parin talaga ang feeling ng pagiging pasahero. 

Ang sarap lang noong tart something doon sa rowena’s(?) ba yun sa may tagaytay. Lalo na yung mangga flavor at yung blueberry something. Hindi ko natikman yung strawberry dahil naunahan ako ng lola ko. Pero iba pa rin talaga yung ube jam sa baguio na gawa ata sa factory ng mga madre(?). The best! Nakaubos ako noon ng isang jar(?) tapos kinabukasan namaga yung tonsils ko. 

Madalas kapag iniisip ko na kumain sa kung saan ko gusto at iniisip na sayang at gastos lang yun, pumapasok sa isip ko na kahit anong oras ay pwede akong mawala.

Marami sigurong ghost ngayon na naglilibot sa mundo dahil hindi matahimik sa panghihinayang na sana pala ay kumain sila sa favorite nilang kainan kesa tinipid yung pera na hindi na nila magamit dahil hindi na sila member ng mga buhay na nilalang ng mundong ‘to.

Hindi pala ganoon kasarap yung pizza na all meat lang. Mas maganda yung may halo na gulay or prutas. Never pa ako umorder ng pizza na all keso, dahil sa isip ko palang ay nakakaumay na ang lasa ng keso at mantika. 

Siguro ay madali lang naman magpayo. Hindi na siguro kailangan na magkaroon ka ng karanasan pa sa mga bagay-bagay or ano man ang gusto kong itype na hindi ko matype. Yung bang katulad noong ginawa ni Papa Jack at ni Ramon Bautista(?). Kadalasan kasi madali yung common sense kapag hindi na ikaw yung nasa sitwasyon. Napakadaling mag-isip, pero mahirap gawin yung iniisip mo. Kahit na crush na crush mo na yung crush mo, hindi mo siya pwedeng ikiss nalang bigla. Sa isip madaling planuhin, isipin o ano mang kahanay niyan, pero gawin? Ewan. Katulad noong madalas kong mabasa na "madaling sabihin, mahirap gawin." 

Madali lang din naman siguro gumawa ng quotation(?) lalo na kung wala naman talagang pinagmulan yun. Yung bang ”Hindi mapupuno ang baso kung walang ilalagay dito” Palagay ko kasi yung mga astig na quotes ay yung parang may pinaghugutan at may pasakalye muna. Katulad noong mga nasa libro nahugot. Yung bang may paragraph na yun ang laman. Basta parang ganyan.

Isa ang Masked Rider Black sa paborito kong palabas noong bata pa ako. Hindi ko maalala kung ilang taon ako noong pinanuod ko yun at ginaya ang pagbabagong anyo niya. Kailan ko lang din nalaman na hindi pala ipis si Masked Rider Black at isa pala siyang cyborg na tipaklong. 
May nakita akong nagbebenta sa net ng action figure nito at halos 1700 ang presyo ni RX, ewan ko lang yung black lang. Trip ko talagang bilhin, kaso naiisip ko baka tulad lang ‘to noong sa divisoria na ginaya lang yung hitsura. Hindi ko kasi alam kung alin yung orig at yung ginaya lang. :| 2500 naman ang presyo ni Battle Hopper na hindi makukumpleto yung masked rider black something ko kung wala siya. HAHA Ewan kung merong Road Sector pero palagay ko ay hindi mabubuo ang buhay ko kung hindi ako magkakaroon ng action figure na ganito. Kapag hindi ko kayanin yung presyo ni Battle Hopper ay sa divisoria nalang ako bibili ng motor nitong si Masked Rider Black or Kamen Rider Black.
Sana magkagirlfriend na ako para naman ganito ang iregalo niya sa birthday ko. 

Isa ang Masked Rider Black sa paborito kong palabas noong bata pa ako. Hindi ko maalala kung ilang taon ako noong pinanuod ko yun at ginaya ang pagbabagong anyo niya. Kailan ko lang din nalaman na hindi pala ipis si Masked Rider Black at isa pala siyang cyborg na tipaklong. 

May nakita akong nagbebenta sa net ng action figure nito at halos 1700 ang presyo ni RX, ewan ko lang yung black lang. Trip ko talagang bilhin, kaso naiisip ko baka tulad lang ‘to noong sa divisoria na ginaya lang yung hitsura. Hindi ko kasi alam kung alin yung orig at yung ginaya lang. :| 2500 naman ang presyo ni Battle Hopper na hindi makukumpleto yung masked rider black something ko kung wala siya. HAHA Ewan kung merong Road Sector pero palagay ko ay hindi mabubuo ang buhay ko kung hindi ako magkakaroon ng action figure na ganito. Kapag hindi ko kayanin yung presyo ni Battle Hopper ay sa divisoria nalang ako bibili ng motor nitong si Masked Rider Black or Kamen Rider Black.

Sana magkagirlfriend na ako para naman ganito ang iregalo niya sa birthday ko. 

Ayon sa aking natuklasan, hindi masarap na isabaw sa kanin ang gravy sa Kenny Rogers. Nakakaumay ang lasa, at mukhang maraming harina. Pero mas trip ko ang manok nila kumpara sa manok ng SM Supermarket. 

(Source: raduyev, via kylesassimmons)

Kamon! Susunod! »
I am the Sexy Beast beybe!